Tila mabuti ang dalang epekto ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo sa buhay ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

Sa latest episode kasi ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Mayo 13, pinakilig ng host na si Romel Chika ang fans nina Kathryn at Alden sa ulat niya tungkol sa dalawa.

“Makikita mo talaga sa mukha niya [Alden] na talagang inspired magtrabaho sa araw-araw na kaniyang pagkilos. Kailangan mayroon talagang nagpapakita sa kaniyang mga mata. At kitang-kita ‘yan lalo na no’ng tumanggap sila ng award ni Kathryn,” saad ni Romel.

Segunda naman ng showbiz columnist na si Cristy Fermin: “At nakita mo ba ‘yong may biglang humarang na may dalang standee ni Kathryn? ‘Di ba super ngiti talaga si Tisoy. Malaki po talaga ang nagagawa ng pag-ibig mga kapatid.”

Tsika at Intriga

Raquel niyabang katotohanan; 'All By Myself' ni Charice, di pa nahihigitan

“Hindi namin sasabihin sa inyo kung nasaang estado na po talaga sila ngayon pero napakalaki po ng milagrong ginagawa ng pag-ibig sa mga taong nagmamahal,” dugtong pa niya.

Matatandaang kinilalang “Box-Office King at Queen” sa pelikula sina Alden at Kathryn para sa nagbabalik na “Box Office Entertainment Awards” na ginanap nitong Linggo, Mayo 12, sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo De Manila University.

MAKI-BALITA: KathDen, kinilalang ‘Box-Office’ King at Queen; Julia Montes, dinedma?