Tila may good news para sa fans ng tambalan nina Zaijan Jaranilla at Miggy Jimenez sa kanilang upcoming series na “High Street,” ang sequel ng 2023 hit primetime series na “Senior High.”

Sa ulat ng ABS-CBN News na inilathala nitong Lunes, Mayo 13, ikinuwento ni Zaijan ang aabangan ng fans sa karakter nila ni Miggy.

"Dito sa 'High Street,' may time jump na ng... 5 years. Iba na 'yong pag-atake sa characters. Mas intimate kami. Mas mature in a way. Mas gano’n po. Kaya nakakatuwa na nakakakaba. Pero iba 'yong fulfillment 'pag nagagawa namin ng maayos 'yong trabaho namin [as actors]," saad ni Zaijan.

Dagdag pa ni Zaijan: "Siguro it's more of ‘yon nga kung paano siguro magdu-dwell 'yong characters into the work life and the mature life. So, well, expect nyo na siyempre na magkasama kami lagi ni Tim. So, marami pa kami mga...problems and struggles na iso-solve." 

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Ayon sa ulat, gagampanan ni Zaijan ang karakter ng isang forensic na nagtatrabaho sa pulisya. Samantala, ang karakter naman ni Miggy ay isang struggling actor. 

Matatandaang naging usap-usapan last year ang naging kissing scene ng dalawa sa “Senior High” tila kinutuban tuloy ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa posibleng BL series na likhain nina Zaijan at Miggy.

MAKI-BALITA: Zaijan Jaranilla, Miggy Jimenez posibleng magka-BL series?

Pero bukod kina Zaijan at Miggy, kasama rin sa mga inaabangan sa serye ang iba pa nilang kasamang cast kagaya nina Andrea Brillantes, JK Labajo, Xyriel Manabat, Elijah Canlas, at marami pang iba.

MAKI-BALITA: ‘High Street’ mediacon, dinaluhan ng ‘star-studded’ cast