Tila hindi naging maganda ang 2024 para sa showbiz columnist na si Cristy Fermin. Ikatlong buwan pa lamang kasi ng taon ay nagsimula na siyang makatanggap ng halos sunod-sunod na demanda mula sa mga personalidad na itinatampok at pinag-uusapan nila ng co-hosts na sina Romel Chika at Wendell Alvarez sa kanilang vlog at online program.

Sino-sino nga ba ang mga personalidad na pumalag kay Cristy mula noong buwan ng Marso hanggang sa kasalukuyan.

  • Magulang ni Sarah Lahbati 
  • Relasyon at Hiwalayan

    Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

Sa isang episode ng “Showbiz Now Na” noong Marso 13, kinumpirma ni Cristy na sinampahan sila ng kasong cyberlibel ng mga magulang ni Sarah Lahbati na sina Abner Lahbati at Esther Lahbati.

Sinabi ng showbiz columnist na kasama sa mga inireklamo ni Esther sina Wendell Alvarez at Romel Chika, co-hosts niya sa naturang showbiz-oriented vlog.

“Tutal sa kaniya na rin naman po ito nanggaling, kami na po ang kukumpirma. Kami pong tatlo ang idinemanda ng cyberlibel ng mag-asawang Abner at Esther Lahbati,” lahad ni Cristy.

Matatandaang naintriga ang madlang netizens noong Marso 1 sa ibinahaging larawan ni Esther sa Instagram account nito kung saan makikita roon na kasama niya ang kaniyang asawa sa harap ng gusali ng Department of Justice o DOJ.

MAKI-BALITA: Matapos ang hiwalayan: Picture ng magulang ni Sarah Lahbati sa DOJ, usap-usapan

  • Bea Alonzo 

Ilang buwan matapos idemanda ni Dominic, sunod namang nagsampa ng kaso ang ex-fiance niyang si Bea Alono kay Cristy.

Ayon kay GMA Showbiz reporter Nelson Canlas Mayo 2, pumunta si Bea sa Quezon City Prosecutors Office para maghain ng tatlong magkakahiwalay na criminal case para kay Cristy kasama ang kaniyang mga co-host at kay showbiz insider Ogie Diaz. 

Kinabukasan, sa isang episode ng “Cristy Ferminute” noong Mayo 3, nagbigay si Cristy ng pahayag kaugnay sa cyber label cases na inihain sa kaniya ni Bea nitong Huwebes, Mayo 2.

Ayon sa kaniya, karapatan naman daw ng kahit na sino ang magsampa ng kaso lalo na sa tulad niyang mamamahayag na tila kakambal na ng kaniyang propesyon ang cyber libel.

Ipinapaubaya na rin daw niya sa prosekusyon ang desisyon kung sino sa kanila ni Bea ang nasa panig ng tama o mali.

Pero hindi raw niya matanggap ang paratang sa kanila ng kampo ni Bea na ang vlogs at shows nila ni Ogie ay ginawa lamang upang pagkakitaan ang aktres.

“Ang programa po ni Ogie Diaz, ang kaniyang vlog, at ang ‘Showbiz Now Na,’ at maging ang ‘Cristy Ferminute’ ay idinesenyo hindi lamang po para kay Bea Alonzo,” saad pa ni Cristy.

“Ito po ay para ibalita ang lahat ng kuwento—positibo man o hindi—tungkol sa mga personalidad na tinatawag po nating public figures. At bilang pampublikong pigura po sila, kami naman po ang nagtatawid ng mg balita tungkol sa kanila,” aniya.

Dagdag pa niya: “Hindi po namin maaaring puhunanin si Bea Alonzo lamang para kumita ang aming mga vlogs. Mali p’yon. Lahat ng mga kuwento ay inilalatag po namin at depende na lang po ‘yan sa pagtanggap ng mga personalidad na aming tinatalakay.”

MAKI-BALITA: Cristy Fermin, itinangging pinagkakakitaan si Bea Alonzo

  • Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan

Tila hindi na rin nakapagtimpi pa ang mag-asawang sina Megastar Sharon Cuneta at Atty. Kiko Pangilinan sa mga iniuulat ni Cristy tungkol nito sa kanila. 

Matatandaang naghain ng libel complaint ang mag-asawa laban kay Cristy. Ayon sa ulat ni ABS-CBN News reporter MJ Felipe, nagtungo sina Sharon at Kiko sa Makati City Prosecutors Office upang isampa ang kanilang reklamo noong Mayo 10.

Nagbigay rin naman ng pahayag ang showbiz columnist pag-era ng programa niyang “Cristy Ferminute” sa mismong araw din kung kailan naghain ng demanda sina Kiko at Sharon. 

Ayon sa kaniya, bagama’t wala pa raw siyang detalyadong impormasyong natatanggap noong mismong oras na ‘yon tungkol sa kaso, nauunawaan daw niya ang reklamo ng mag-asawa laban sa kaniya. 

At tila hindi pa rin nauuga si Cristy sa kabila lahat ng ito sapagkat para sa kaniya ay hindi naman kahiya-hiya ang kasong cyber libel na simula’t sapul bahagi na talaga ng trabaho niya.

 “Sabi ko nga sa mga anak ko, mahiya kayo kapag ako’y idinemanda sa pagnanakaw. Mahiya kayo kapag ako’y nademanda at kinasuhan tungkol sa human trafficking; ‘pag ako’y nagbugaw at kung ano-ano pa—’yon ang dapat nating ikahiya,” wika ng showbiz columnist.

Dagdag pa niya: “Pero ‘yong ganito, cyber libel, libel cases, kasama po ito sa teritoryo ng pagiging mamamahayag natin. At nauunawaan po natin kung saan sila nanggagaling at nagmumula. Kung paanong dapat din nilang unawain kung ano ang aming trabaho. ‘Yon lamang po ‘yon.”

Sa kasalukuyan, tila inaabangan na ng madla kung sino pang personalidad ang susunod na magsasampa ng kaso laban kay Cristy. Kamakailan lang ay hinihiritan na rin umano ng mga netizen si Unkabogable Star Vice Ganda na gumawa na ng hakbang para idemanda ang showbiz columnist.

Sa isang episode kasi ng “It’s Showtime” ay tila naghimutok siya dahil sa dami ng ipinapagawa umano ng madlang people sa kaniya.

"Itong madlang people, ang daming mga ipinapagawa sa akin. Gumawa ng 'Asoka' challenge, gumawa ng 'Piliin Ang Pilipinas' challenge, magdemanda na rin,” saad niya.

“Ang dami niyong request! Pipiliin ko do’n kung anong pabibigyan ko. Ano ba do’n ‘yong gusto n’yong pagbigyan ko? ‘Yong gumawa o magdemanda?" dugtong pa niya.

Pinagbigyan naman ni Vice Ganda ang isa sa mga hiling ng fans dahil bago matapos ang araw na ‘yon ay ibinahagi niya sa kaniyang social media account ang entry niya para sa “Piliin mo ang Pilipinas” challenge na talaga namang nag-viral at hinangaan ng mga netizen.

MAKI-BALITA: Pinas mahirap ipaglaban, pero pinipili pa rin ni Vice Ganda

Kaya ang tanong ngayon, kailan naman kaya niya sunod na gagawin ang isa pang hiling ng madlang people?

Matatandaan kasing isa rin si Vice Ganda sa mga tinitira ni Cristy sa vlog at online show nito. Tila hindi rin naman nagpadaig ang Unkabogable Star dahil ilang beses din siyang nagpapatutsada kay Cristy nang pasimple.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, inokray boses ni MC: ‘Kumi-Cristy Fermin ka!’

MAKI-BALITA: ‘Bwak bwak bwak bwak!’ Post ni Vice Ganda, pang-asar kina Cristy at Romel?

MAKI-BALITA: ‘Pang-asar’ ni Vice Ganda sa bashers: ‘Nananalo pa rin ako, Bwak Bwak Bwak Bwak!!!’

MAKI-BALITA: Kayabangan ni Vice Ganda hindi raw nawala, sey ni Cristy

MAKI-BALITA: Cristy Fermin, binanatan si Vice Ganda sa paglipat ng It’s Showtime sa GMA

MAKI-BALITA: Cristy Fermin kay Vice Ganda: ‘Hindi ka tunay na babae’

MAKI-BALITA: Vice Ganda, natatapang-tapangan lang daw sey ni Cristy

MAKI-BALITA: Vice Ganda, may ‘amoy-imburnal’ na sikreto, ispluk ni Cristy Fermin

Samantala, bagama’t hindi naghain ng reklamo sa prosekusyon, pinabulaanan at mariing kinondena ng aktor na si Dominic Roque ang mga isyung ipinaparatang sa kaniya ni Cristy noong Pebrero 20 sa pamamagitan ng inilabas na pahayag ng Fernandez & Singson Law Offices.

“These defamatory statements were made by Ms. Fermin under the guise of the entertainment news without any effort from her to confirm the same from Mr. Dominic Roque,” pahayag ng kampo ni Dominic.

Matatandaan kasing sa isang episode ng “Showbiz Now Na” ay iniulat ni Cristy ang tungkol sa nasagap niya umanong impormasyon na pinaiimbestigahan umano ng kampo ni Bea si Dominic dahil sa kabuhayan nito.

MAKI-BALITA: May gay benefactor ba? Misteryo sa condo unit, kabuhayan ni Dominic inilantad

Tila ipinapahiwatig kasi ng mga pahayag ni Cristy na may benefactor umanong politiko si Dominic na nagmamay-ari ng condo kung saan daw ito kasalukuyang tumutuloy. Dahil dito, nakaladkad sa isyu ang pangalan ni Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos.

MAKI-BALITA: Natuklasan ni Bea: Dominic, nakatira sa condo na nakapangalan sa politiko?