Inamin ng batikang aktres na si Dina Bonnevie ang tungkol sa umano’y naudlot na movie project nila ni Hollywood actor Mel Gibson.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Mayo 10, ibinahagi ni Dina ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagiging leading lady niya kay Mel.

“I was offered to live in Australia and to be an actress there and eventually to be in Hollywood. HBO. I was offered. Dapat sana Hollywood actress ako and slaying Met Gala,” kuwento ni Dina.

“I didn’t become that because I chose my kid. Kasi at that time na nagpaalam ako kay Vic sabi ko, kukunin ko ang mga bata. Pupunta kaming Australia and I’m gonna live there. [But] Vic said, if you do that you will never see your kids again,” aniya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kaya naman, maliban sa pagiging artista at TV host sa Pilipinas, pinili na lang daw ni Dina na maging negosyante para sa kaniyang mga anak.

“I put up businesses and I became a successful businesswoman because of my inspiration, my kids. I wanted my kids to have a good life,” wika niya.

Samantala, sa isang bahagi ng panayam ay ibinahagi rin ni Dina ang dahilan kung bakit tinigilan na niya ang pagiging judgemental.

MAKI-BALITA: Dina Bonnevie, tinigilan na maging judgemental dahil sa mga anak