Ikinuwento ng social media personality na si Wilbert Tolentino ang inspirasyon sa likod ng bago niyang single na “Kain tayo.”

Sa isang episode ng “Marites University” kamakailan, sinabi niya na mula raw ang naturang kanta sa isyu ng actress at beauty queen na si Herlene Budol.

“Isyu ‘yan actually ni Herlene. ‘Yong ‘Kain tayo’ is good vibes talaga ‘yong ginawa ko. Actually the moment na lumabas ‘yong isyu na ‘yon, pumutok. Sabi ko kay Herlene: ‘Nak, gano’n talaga ang showbiz wala tayong magagawa. Kailangan sumabay ka na lang sa agos. Gawan kita ng kanta,’” saad ni Wilbert.

“E, since si Herlene maraming project, kanan at kaliwa. From umaga hanggang gabi, walang tulog dahil punong-puno ang project niya simula no’ng napunta siya sa akin,” aniya.

Musika at Kanta

Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon

Kinumpirma rin ni Wilbert na si Herlene daw talaga dapat ang kakanta na “Kain tayo.” Pero dahil umarangkada ang “Black Rider” kung saan ginagampanan nito ang karakter ni “Pretty”, hindi na raw kaya ng oras nito na magsingit pa ng bagong proyekto.

Matatandaang ipinasilip pa ni Herlene noong Disyembre 2023 ang voice lesson niya bilang paghahanda sa ilalabas niya sanang “Kain tayo.”

MAKI-BALITA: ‘Kain tayo’: Herlene, maglalabas ng bagong kanta