Matapos mag-viral ang kaniyang "Pillin Mo Ang Pilipinas" video challenge na socially relevant, marami sa mga netizens ang humihimok kay Unkabogable Star Vice Ganda na pasukin na rin ang public service.
Marami ang nag-uudyok kay Vice Ganda na baka ikonsidera nitong tumakbo sa politika, lalo na ang pagiging senador sa darating na 2025.
Pakiramdam ng mga netizen ay magiging epektibong mambabatas si Vice Ganda dahil likas ang kaniyang talino, kamulatan, at kamalayan pagdating sa mga isyung panlipunan gaya ng itinampok niya sa video challenge.
Maging sa comment section ng ulat ng Balita tungkol sa video, may mga nagbigay na rin ng reaksiyon kung sakaling tatakbo nga si Vice Ganda sa senado (kung sakali lang naman daw). Nagbigay rin sila ng komento tungkol sa video.
"Kung maging senator si VG, baka mabakla sa kanya ang mga feeling matalino at nagbubutas lang ng upuan sa senado," saad ng isang commenter.
Reaksiyon naman ng isa pang netizen, "Sana marami pang ipalabas si Vice na ganito na napapanahong issue sa bansa. Particularly usaping WPH at drug issues."
"Say what you want about Vice Ganda. Kahit marami siyang controversies, hindi mo maiaalis na legit si Vice pag ang paguusapan ay ang realidad ng sociopolitical issues ng Pilipinas."
"... indeed, "Piliin Natin Ang Pilipinas".. kahit sa totoo lang.. bang hirap mahalin ng Pinas.. dahil sa PINOY na ang PINIPILI ay bumoto ng sakim, sinungaling, magnanakaw, incompetent at KORAP na politiko.. šš¬.. pero sa huli.. ikaw pa din ang PIPILIIN.. Pilipinas."
"Vice, kung sakali, for sure mananalo ka kapag tumakbo ka, at marami kaming susuporta sa 'yo!"
Samantala, maging ang dating senatorial candidate at founder ng isang review center na si Carl Balita ay nagbigay na rin ng kaniyang reaksiyon tungkol dito.
"Hindi naman dahil gumawa si Vice ng 'Piliin mo ang Pilipinas' eh pushed na sya to run for senate! Ang confirmed na mga showbiz peeps: Phillip Salvador, Willy Revillame, and the come back of Lito Lapid, Manny Pacquiao, Tito Sotto (?) Sino pa ba?" saad ni Balita sa kaniyang Facebook post.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Vice Ganda tungkol sa mga panawagan ng ilang mga netizen na pasukin na niya ang politika.
MAKI-BALITA: Vice Ganda, tinapos na raw ang laban sa āPiliin Mo Ang Pilipinasā challenge
MAKI-BALITA:Ā Pinas mahirap ipaglaban, pero pinipili pa rin ni Vice Ganda