Nagbigay si Kapuso actor Xian Lim ng posible niyang sabihin kapag nakasalubong niya umano ang kaniyang ex-girlfriend.

Sa latest episode kasi ng Family Feud nitong Biyernes, Mayo 10, binasa ng host ng naturang game show na si Dingdong Dantes ang isa sa mga question entries na mula sa mga manonood.

Pero bago pa man magbigay ng tanong ang mga netizen ay naglatag ang Family Feud ng tanong na: “Kung makakasalubong mo ang ex mo, ano ang itatanong mo?”

Nagprisinta si Xian na sagutin ang naturang tanong upang malaman din umano ang point of view ng isang lalaki matapos itong sagutin ng ka-team niyang si Coleen Garcia.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

"'Pag nakasalubong mo ang ex mo, you should say na... ‘I hope you do find the happiness that it is you're looking for.’” saad ni Xian.

“Ganon lang dapat masaya, 'di ba? Dapat masaya kayo para sa isa't isa. ‘Yon siya, ‘di ba?" dugtong pa niya.

Matatandaang kagagaling lang ni Xian sa breakup noong Disyembre 2023 matapos nila itong kumpirmahin  ni “It’s Showtime” host Kim Chiu sa pamamagitan ng kanilang social media accounts.

MAKI-BALITA: ‘End of a Love Story!’ Kim Chiu kinumpirmang hiwalay na sila ni Xian Lim

MAKI-BALITA: Xian kay Kim: ‘No goodbyes here, I’ll see you around’