Usap-usapan ang X post ng dating aktres at ngayon ay US-based na si Giselle "G" Tongi na pinagreretiro na bilang showbiz insider ang kontrobersiyal na si Cristy Fermin.

Sa kaniyang X post nitong Biyernes, Mayo 10, sinabi ni Giselle na oras na raw para magpahinga sa kaniyang trabaho si Cristy.

Mali pa nga ang ispeling ng pangalan ni Fermin subalit naniniwala ang mga netizen na ang showbiz columnist ang tinutukoy niya.

"Retire Christy Fermin. It’s time!" aniya.

Tsika at Intriga

Jennylyn Mercado, 'di susulutin ng ABS-CBN

[embed]https://twitter.com/gtongi/status/1788807331066818890[/embed]

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"I second the motion!"

"Kaimbyerna si aleng Christy jaja."

"Jail time first kelangan matikman niya himas rehas before she retires."

"Tma lng yan magkaroon cia ng patong2 na kaso, masyado personal ang pangingialam sa buhay ng artista, hndi na tama."

"Anteeehh G. Sala spelling mo ng Cristy nasa America kapa naman din. Hahahahahahahahahahahaha."

"It's been long overdue."

Matatandaang unang nagsampa ng kaso ang ina ng aktres na si Sarah Lahbati laban kay Cristy.

Kamakailan lamang, nagsampa ng cyber libel case laban sa kanilang dalawa ni Ogie Diaz at co-hosts ang Kapuso star na si Bea Alonzo.

At nitong Biyernes, Mayo 10, nagsampa na rin ng cyber libel case ang mag-asawang Megastar Sharon Cuneta at Atty. Kiko Pangilinan.

Ayon kay Cristy, nauunawaan daw niya kung saan nanggagaling ang mga artistang nagsasampa ng demanda laban sa kaniya.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, naghain ng cyber libel cases laban kina Cristy Fermin, Ogie Diaz

MAKI-BALITA: Cristy sa demanda nina Sharon, Kiko: ‘Sino po kaya ang susunod?’

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Cristy tungkol sa X post ni Giselle.