Inispluk ng batikang aktres na si Dina Bonnevie na tinigilan na raw niyang maging judgemental dahil sa kaniyang mga anak.

“What have you become because of your children?” tanong ni Boy Abunda sa batikang aktres na mag-guest ito sa Fast Talk nitong Biyernes, Mayo 10.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ani Dina, naging successful businesswoman siya dahil sa inspirasyon niyang magkaroon ng magandang buhay ang kaniyang mga anak.

Bukod dito, sinabi rin niya na naging mapagpatawad siya at tinigilan na rin niyang maging judgemental.

“I became a forgiver and I stopped being a judgemental. Kasi before I was so judgemental eh. Masyado akong feelingera no’n. Parang feeling ko, ang ganda ganda ko, palagi akong tama,” anang aktres.

Samantala, sinagot din niya ang tanong na “what haven’t I become because of my children?”

“I didn’t become the leading lady of Mel Gibson in East of Eden. I was offered to star in East of Eden with Mel Gibson after I did ‘A Dangerous Life,’” sagot ni Dina.

“[…] I was offered to live in Australia and to be an actress there and eventually be in Hollywood, HBO. I was offered. ‘Di dapat sana ngayon, Hollywood actress ako and I’m slaying at the MET Gala,” kwento pa ng aktres.

Hindi raw niya pinili ang offer na ‘yon dahil mas pinili niya ang kaniyang mga anak.

Siya may anak kay Vic Sotto na sina Danica Sotto at Oyo Boy Sotto.