Ibinahagi ng Vivamax sexy actress na si Angeli Khang ang malalim na kuwento raw sa likod ng tattoo niya sa braso.

Sa isang episode kasi ng “Dapat Alam Mo” nitong Biyernes, Mayo 10, naitanong ni Kuya Kim Atienza ang tungkol sa naturang tattoo ni Angeli.

Ipinakita ni Angeli ang tattoo niya na isang bulaklak na may tangkay at kahon na kulay itim. Ayon sa aktres,  attraction umano ang kahulugan nito.

“Pero behind this box [sa tattoo] mayroon akong cut before noong bata pa ako na it's about family. Ang reason ko kaya ko pinatakpan is para makalimutan ko na ‘yong cut," kuwento ni Angeli.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ang kaso lang, imbes na makalimutan, lalo lang daw niyang naaalala ang naturang hiwa sa braso niya dahil sa disenyo ng kahon na tila isang blade.

Samantala, sa unang bahagi ng panayam ay naitanong ulit kay Angeli ang tungkol sa umano’y indecent proposal na natatanggap niya bilang sexy actress.

Matatandaang nauna na niyang sagutin ang tungkol sa bagay na ito noong sumalang siya sa “Updated with Nelson Canlas” kamakailan.

MAKI-BALITA: Angeli Khang, pumatol sa indecent proposal?