Tila naghayag ng interes ang award-winning director na si Joel Lamangan para gawan ng pelikula ang social media personality na si Rendon Labador.

Sa isang Instagram post kasi ni Rendon nitong Biyernes, Mayo 9, ibinida niya ang mga larawan ng kaniyang shooting exercise.

Sey ni Joel: “Pwede na gawan ng film nak”

"@direk_joel_lamangan gusto ko kontrabida," tugon naman ni Rendon.

Pelikula

Rason kung bakit halos laging absent si Anne Curtis sa It’s Showtime, buking

Dagdag pa niya: "@rendonlabadorfitness ang tatapos ng mga bida-bida 💪"

Ibinahagi rin niya sa kaniyang Facebook account ang screenshot ng comment thread na ito. Tinanong niya rin ang followers niya  kung ano ang pwedeng maging title ng pelikula at sino ang leading lady na pwede niyang makatambal. 

Photo Courtesy: Rendon Labador (FB)

Kaya naman, umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“boss the MOTIVATOR”

“love Triangle 👍”

“Anti Bida Man story”

“hambog Po title”

“Title: Rendon Tirador”

“sana sa batang quiapo boss umextra ka!”

“sip sip at pabida bida 🤣”

“Syempre dapat Motivational Film 🤣”

“Tirador ng bida bidang Birado”