Tatakbo bilang senador ang boksingero at dating senador na si Manny Pacquiao sa 2025 midterm elections.

Kinumpirma ito mismo ni Pacquiao sa isang ambush interview na inulat ng ABS-CBN nitong Biyernes, Mayo 10.

Nang tanungin kung saang partido siya tatakbo, sinabi ni Pacquiao na sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

Ang PFP ay isang political party na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Kaugnay nito, nauna nang nagpahapyaw si Marcos sa isa niyang talumpati sa General Santos City nitong Biyernes na posibleng mapasama sa kanilang partido ang dating senador.

“Babatiin ko na lang ang idol ko, ang idol n’yo, at ang idol nating lahat. Ang dating senador at babalik na senador, Senator Manny Pacquiao,” ani Marcos habang pinakikilala si Pacquiao.

Matatandaang naging senador si Pacquiao mula 2016 hanggang 2022. Tumakbo naman siya bilang pangulo noong 2022 national elections kung saan si Marcos ang naluklok sa pwesto.