Nagbigay ng pahayag ang singer-songwriter na si Ice Seguerra kaugnay sa posibilidad na makita siya bilang guest sa “It’s Showtime.”

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” noong Miyerkules, Mayo 8, tinanong siya ni showbiz insider Ogie Diaz tungkol sa bagay na ito.

“Si Ice ba hindi namin makikita talaga na mag-guest sa ‘It’s Showtime?’” usisa ni Ogie.

“I wouldn’t be comfortable, e,” sagot ni Ice. “I mean, wala naman silang alitan or anything. Ako lang talaga siguro. Hindi ako magiging komportable.”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Hindi ‘yong rason mo na bilang respeto sa TVJ? Or sa ‘Eat Bulaga’ na pinanggalingan mo?” sundot pa ni Ogie.

“Syempre, ‘yon na ‘yon, e. Kung wala akong respeto sa kanila, edi komportable akong gawin ang kung ano,” tugon pa ng singer-songwriter.

Dagdag pa ni Ice, hindi rin daw niya makita ang pangangailangang mag-guest siya sa “It’s Showtime” at magpaalam sa mga original host ng katapat nitong noontime show na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon.

Gayunpaman, kaibigan pa rin naman ni Ice ang mga host ng “It’s Showtime.” In fact, nakasama pa nga siya sa isang concert ni Unkabogable star Vice Ganda.

Matatandaang nilinaw na rin ni Joey sa pamamagitan ng isang video statement na hindi naman daw nila kaaway ang “It’s Showtime.”

MAKI-BALITA: Joey De Leon sa nagsasabing kaaway sa ‘It’s Showtime’: Huwag n’yo kaming pagsabungin