Ibinida ni Diwata ang bahay at opisinang ibinigay sa kaniya ng kapwa negosyanteng si Rosmar Tan.

Sa isang Facebook video nitong Huwebes, Mayo 9, muli siyang nagpasalamat kay Rosmar.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

“Napakalaking bagay nito para sa’kin. Hindi na ako sa sasakyan matutulog, hindi na ako sa gilid-gilid. Dito may aircon na at saka magagamit ko talaga ito nang maayos. Kaya maraming salamat, Madam Rosmar ay kumareng Rosmar na pala,” aniya.

“Napakabait mo, akala nila talaga warla ka pero in real life, mabait [ka] talaga,” sey pa ni Diwata.

Nabanggit din niya ang “mamahaling” aso na ibinigay sa kaniya ni Rosmar.

Matatandaang no’ng Linggo, sinopresa ni Rosmar si Diwata ng bagong bahay dahil aniya nakarating daw sa kaniya na nagpapahinga lang daw ito sa loob ng sasakyan.

Bukod sa bagong bahay, nagbigay aniya siya kay Diwata ng tumataginting na ₱5 million worth of endorsement, products, at cash mula sa iba’t ibang brand na tumulong sa kaniya.

Hindi pa nagtatapos sa mga nabanggit, binigyan din niya si Diwata ng umano’y imported Saint Bernard puppy na worth ₱300K daw at lifetime supply ng dogfood.

BASAHIN: Pangarap ni Diwata na magkaroon ng bahay, tinupad ni Rosmar

Gayunman, sa kabila ng mga ibinigay niya, binigyang-diin ni Rosmar na hindi niya raw ginagamit si Diwata para sa kaniyang mga brand dahil busilak daw ang kaniyang puso sa pagtulong.

Kaya’t ibang mga brand daw ang ibinida niya sa surprise niya.

BASAHIN: Rosmar ‘di raw ginagamit si Diwata para sa brand niya: ‘Busilak ang aking puso sa pagtulong’