Tila parami na nang parami ang naisasampang kaso laban sa showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Biyernes, Mayo 10, nabigay ng reaksiyon si Cristy kaugnay sa cybel libel case na inihain sa kaniya nina Megastar Sharon Cuneta at dating Senador Kiko Pangilinan.

“Kapag ikaw ay bangkero, mayroong pagkakataon na pwede kang malunod. Kapag ikaw ay pulis, pwede kang makabaril at ikaw ay maaksidenteng mabaril. Kapag ikaw ay nasa ganyang mga linya katulad naming mga mamamahayag, naku, teritoryal po ang mga ganitong kaso. ‘Yong libel case, cybel libel,” saad ni Cristy.

“‘Yon lamang po ‘yon. Pero ano, ha, pataas nang pataas ang mga lebel, ha. Talagang tumataas ang lebel ng demandahan. From Sarah Lahbati to Bea Alonzo, Sharon Cuneta na ang kasunod. Sino po kaya ang susunod? Si Julia Roberts na?” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

Dagdag pa niya: “Basta, naiintindihan natin kung saan sila nagmumula, kung saan nila nanggagaling. Wala pa po akong masasabi. Wala pa kaming impormasyon na tinatanggap. Basta naiintindihan natin ito.”

Matatandaang kamakailan lang ay naiulat pa ni Cristy sa kaniyang programa ang dahilan umano ng on and off relationship nina Sharon at anak nitong si KC Concepcion.

MAKI-BALITA: Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan kinasuhan si Cristy Fermin

MAKI-BALITA: Naiwalang gamit ni KC Concepcion, ugat ng malalim na gusot nila ng ina?