Nauunawaan daw ni showbiz columnist Cristy Fermin sina Megastar Sharon Cuneta at dating Senador Kiko Pangilinan sa kabila ng demandang isinampa ng mga ito laban sa kaniya.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Biyernes, Mayo 10, sinabi ni Cristy na talagang bahagi na raw ng trabaho niya ang cyber libel.

“Naiintindihan natin kung saan sila nagmumula, kung saan nila nanggagaling. Wala pa po akong masasabi. Wala pa kaming impormasyon na tinatanggap. Basta naiintindihan natin ito. Kasama po ‘yan sa ating trabaho bilang mamamahayag,” lahad ni Crisy.

“Sabi ko nga sa mga anak ko, mahiya kayo kapag ako’y idinemanda sa pagnanakaw. Mahiya kayo kapag ako’y nademanda at kinasuhan tungkol sa human trafficking; ‘pag ako’y nagbugaw at kung ano-ano pa—’yon ang dapat nating ikahiya,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Pero ‘yong ganito, cyber libel, libel cases, kasama po ito sa teritoryo ng pagiging mamamahayag natin. At nauunawaan po natin kung saan sila nanggagaling at nagmumula. Kung paanong dapat din nilang unawain kung ano ang aming trabaho. ‘Yon lamang po ‘yon.”

Gayunpaman, pinakiusapan ni Cristy ang mga tagasubaybay niya na huwag umanong magalit kina Sharon at Kiko dahil sa isinampa nilang demanda sa kaniya. 

“Tanggalin po natin sa ating isip ‘yong galit, ‘yong hatred. Kasama po talaga ‘yan sa laban,” saad pa niya.

MAKI-BALITA: Cristy sa demanda nina Sharon, Kiko: ‘Sino po kaya ang susunod?’

MAKI-BALITA: Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan kinasuhan si Cristy Fermin

MAKI-BALITA: Naiwalang gamit ni KC Concepcion, ugat ng malalim na gusot nila ng ina?