Mukhang in good terms na nga sina Rendon Labador at Rosmar Tan  dahil mapapanood ang una sa bagong music video ng huli.

Sa official music video ng bagong kanta ni Rosmar at asawa niyang si Jerome na “Iyakin,” maiispatan si Rendon habang kumakain ng overload pares ni Rosmar. May clip din na mapapanood na nagse-serve siya ng kanin sa customer.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Ito siguro ‘yong sinasabi ni Rosmar kamakailan na magsasandok si Rendon sa paresan niya sa Tagaytay.

“HAHAHA ayan na nga si Rendon Labador ester Labrador ay Labador ang [magsasandok] ng motivational rice [ninyo] sa R Mansion Tagaytay Resort sa May 5, 10 AM opening,” sey ni Rosmar.

BASAHIN: BATI NA? Rendon, magsasandok ng ‘motivational rice’ sa paresan ni Rosmar

Sagot naman ni Rendon ay ginagamit siya ni Rosmar sa opening ng bagong branch ng paresan ng huli.

BASAHIN: Rendon, ginagamit daw ni Rosmar sa opening ng bagong paresan

Anyway, mukhang okay na nga talaga ang dalawa. “Lablab” nga tulad na laging sinasabi ni Rendon.

Kung babalikan:

Matatandaang nag-viral noong nakaraang taon ang “motivational rice” ni Rendon dahil maraming netizens ang napakamot ng ulo dahil sa presyo ng single serving ng kaniyang kanin sa kaniyang restaurant noon.

BASAHIN: Presyo ng kanin sa resto ni Rendon Labador, ikinaloka ng netizens!

Binigyang-diin naman ni Rendon na ang kaniyang motivational rice ay simbolo raw ng mga taong lumalaban at hindi sumusuko sa buhay.

Aniya, “Motivational Rice! Pilitin mong umangat sa buhay hanggang sa ma-afford mo. This is not to discriminate pero ito ay simbolo ng mga taong lumalaban at hindi sumusuko sa buhay.

BASAHIN: ‘Motivational Rice’ ni Rendon, simbolo raw ng taong ‘di sumusuko sa buhay

Samantala, mukhang okay na nga rin sina Rosmar at Rendon dahil nakatakda ngang pumunta ang huli sa paresan ng una.

Noong nakaraang taon din kasi, nag-react si Rendon matapos isiwalat ni Rosmar kung magkano ang kinikita niya araw-araw.

“Patunay na hindi talaga nabibili ng pera ang katangahan,” saad niya.

BASAHIN: Rendon, nag-react sa pag-flex ni Rosmar ng kita

Kaya naman pinasaringan ni Rosmar si Rendon.

“Pasensya na kayo kung tumatahol yung labrador ko. Panay motivational rice kasi kinakain walang nutrisyong nakukuha. Paano ayaw ng dog food,” sey niya.

“Kakawala lang ng FB mo ayan ka na naman. Ako naman ngayon trip mo. Di mo alam mas malakas ang super powers ko. Alam niyo na dapat gawin,” dagdag pa niya.

BASAHIN: ‘Aw, aw?’ Rosmar Tan, humingi ng pasensya sa ‘labrador’ na tumatahol

Bilang buwelta, ipinagmalaki ni Rendon na isa lamang siyang simpleng tao.

“Hindi ako mayaman at hindi din ako pulitiko. Si Rendon Labador ay isang simpleng tao lang at ang kaya ko lang ipagmalaki sa inyong lahat ay ang pagiging totoong tao sa harap ninyo,” aniya.

Maki-Balita: Rendon Labador, simpleng tao lang daw: ‘Ramdam ko kayo’

Bukod dito, may pinatutsadahang “mayabang” na CEO si Rendon, na hindi naman niya pinangalanan.

“DAPAT TULARAN! Buti pa si Miss Glenda hindi mayabang,” sey ni Rendon. “Dapat siyang tularan ng mga nagkalat ngayon sa socmed na mga CEO, na naka hawak lang ng pera sumobra na ang pagyayabang.”

“Mag bago na kayo! kasi si Rendon Labador nga nag bago na… ikaw pa kaya? SINO KA BA???” patutsada pa ng social media personality.

BASAHIN: Rendon, pinuri si Miss Glenda; may patutsada sa isang CEO