Nilinaw ng showbiz insider na si Ogie Diaz na kahit may pinagdaraanan sila ngayon ay buhay na buhay pa rin ang patok niyang showbiz/entertainment-oriented vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" kasama ang co-hosts na sina Mama Loi, Dyosa Pockoh, at Ate Mrena.

Bago magsimula ang kanilang May 8 episode na naka-upload na sa YouTube channel, sinabi ni Ogie na buhay na buhay pa rin sila at patuloy na maghahatid ng mga balitang showbiz.

"Buhay na buhay pa rin tayo, sa kabila ng mga alam mo na, no... alam n'yo na 'yan, 'di ba? Basta tayo rito ay tuloy-tuloy pa rin po sa pagbibigay at paghahatid sa inyo ng mga balita. Buhay na buhay po kami at habang 'yong iba eh patay na patay sa 'min," makahulugang hirit ni Ogie.

Matatandaang kamakailan lamang ay napabalita ang pagsasampa ng cyber libel case ni Kapuso star Bea Alonzo sa kanilang dalawa ni Cristy Fermin, iba pa nilang co-hosts, at isang netizen na nagpapanggap daw na malapit sa kaniya.

Tsika at Intriga

Jennylyn Mercado, 'di susulutin ng ABS-CBN

Sey naman ni Ogie, wala raw siyang anumang galit kay Bea dahil karapatan naman daw nitong magdemanda laban sa kaniya, subalit dedepensahan daw niya ang sarili sa korte.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, handang dumepensa sa demanda ni Bea

MAKI-BALITA: Ogie Diaz sa inihaing kaso ni Bea laban sa kaniya: ‘Ayoko nang magpakaplastik…’