Maraming netizens ang nagsasabing mas matapang pa raw ang Diamond Star na si Maricel Soriano kaysa sa pastor na si Apollo Quiboloy matapos humarap sa senate hearing, kaugnay ng umano'y pagkakadawit ng kaniyang pangalan sa nag-leak na dokumento mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa nabanggit na dokumento, sinasabing magkasama at sangkot umano sina Soriano at Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa paggamit ng ilegal na droga sa mismong condominium unit ng aktres.

MAKI-BALITA: Maricel Soriano, wala raw alam sa PDEA document; umaming sa kaniya ang condo unit

Noong Martes, Mayo 7, humarap si Maricel kay Senador Ronald "Bato" Dela Rosa at sinagot ang mga tanong patungkol dito. Pinabulaanan ni Marya ang alegasyon ng paggamit ng droga, ngunit sinabi niyang siya ang nagmamay-ari ng tinutukoy na condo unit, bagama't matagal na raw niya itong naibenta.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

MAKI-BALITA: Maricel Soriano, wala raw alam sa PDEA document; umaming sa kaniya ang condo unit

Pinabulaanan din ni Maricel ang isyung nambugbog siya ng dalawang kasambahay. Aniya, paano naman daw niya mabubugbog ang mga ito gayong dalawa sila.

MAKI-BALITA: Maricel Soriano, ‘di raw totoong nambugbog siya ng 2 kasambahay

Kaya naman sa social media, hinangaan ng mga netizen ang award-winning actress dahil sa katapangan nitong humarap sa senado at linisin ang kaniyang pangalan, na kaiba raw kay Quiboloy na hanggang ngayon ay nagkukubli pa rin.

MAKI-BALITA: Hontiveros, naghain ng sagot sa petisyon ni Quiboloy sa Korte Suprema

Sey ng isa, "Si Maricel walang kasalanan, pinatawag ng Senado, humarap, possibly kahihiyan ito sa kaniya. Pero matapang siyang pumunta. Si Quiboloy, may reklamo at may sala, pinatawag sa senado, nagtago at pinagtatanggol pa mismo ng mga senador na mismong nagpatawag kay Maricel."

Photo courtesy: Screenshot from @dizon_xerxes (X)

"The fact that a woman like Inay Maricel Soriano has more guts to attend a hearing and face charges to clear her name is one hell of bravery! Meanwhile, a man proclaiming himself as the Son-of-God is nowhere to be found, protektado ng iba dyan. Funneh! Go @officialmaryaph!” pahayag naman ng isa.

Photo courtesy: Screenshot from @emillebjoson (X)

"Aside from 🔥 at natusta si @BatoDelarosa I would like to point out the fact that Ms.Maricel Soriano came n answered d allegations hurled against her. Ganyan kapag hindi guilty hinaharap agad ang issue to clear one’s name. Di tulad ni quiboloy na tago ng tago halatang guilty." saad ng isa.

Photo courtesy: Screenshot from @eragon2024 (X)

"Saludo kay Ms. Maricel she has the guts to attend the Senate. The perverted Quiboloy is a coward even attend a single hearing," komento naman ng isa.

Photo courtesy: Screenshot from @Bade7Al (X)