Usap-usapan ngayon ang pagbubura ni Catriona Gray ng engagement photo nila ni Sam Milby na ipinost noong Pebrero 2023.

Nang tingnan ng Balita ang Instagram account ni Catriona, deleted na nga ito. Pero, ang naturang engagement photo ay naka-upload pa rin sa Instagram ni Sam, as of writing.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

as of today, May 9, 4:05 PM (Sam Milby/IG)

TANONG TULOY NG NETIZENS: ANYARE?

Kung babalikan, ni-reveal ng dalawa ang kanilang relasyon no’ng 2020. Makalipas naman ang tatlong taon, 2023, sila ay na-engage.

Pero nitong February lang, may sitsit ang source ni Ogie Diaz tungkol sa tsikang hiwalay na sina Catriona at Sam.

Kumalat ang tsikang ito nang mapansin ng mga marites na paminsan-minsan, hindi suot ng Miss Universe 2018 ang engagement ring na bigay sa kaniya ng Kapamilya actor.

BASAHIN: Sitsit ng source ni Ogie: Catriona at Sam, hiwalay na raw

After nito, naglabas ng pahayag Cornerstone Entertainment, talent management agency ng celebrity couple, kaugnay nga sa naturang isyu.

Sinabi nila na totoo raw na humaharap sa pagsubok ang relasyon nina Catriona at Sam.

“While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together,” pahayag ng Cornerstone.

BASAHIN: Cornerstone Management, nagsalita na sa isyu ng Catriona-Sam break-up

Nito namang March, sinabi ni showbiz insider Rose Garcia sa isang episode ng “Marites University” na naniniwala siyang may kinalaman ang mag-asawang John Prats at Isabel Oli kung bakit muling nagkakaayos sina Catriona at Sam.

“Tingin ko lang, ako personally, mukhang malaking bagay kung bakit din itong si Sam at si Cat ay nagkakaayos. ‘Yon talaga. Sure ako do’n kasi reliable ang source ko,” lahad ni Rose.

BASAHIN: John, Isabel tulay sa pagkakaayos nina Catriona, Sam?

And last April lang, nagbunyi ang mga tagahanga at tagasuporta ng dalawa nang maispatan silang magkasama sa birthday celebration party ng talent manager nilang si Erickson Raymundo ng Cornerstone Entertainment, na ginanap sa Sta. Rita, Pampanga.

BASAHIN: Catriona at Sam, ‘nilalanggam’ na ulit; tuloy na kasal?

Kaya ngayon, dahil sa pagbubura ni Catriona ng engagement photo, umaalingawngaw ulit ang usaping baka  hiwalay na ang dalawa.

But as of writing, wala pang pahayag sina Catriona at Sam maging ang kanilang management tungkol dito. Bukas ang Balita para sa kanilang comment or statement.