Binigyang-pugay ni Kapamilya star Andrea Brillantes ang namayapang si Dreamscape Entertainment Head Deo Endrinal sa gitna ng nalalapit na pag-ere sa telebisyon ng “High Street,” ang sequel ng 2023 hit primetime series na “Senior High.”

Sa ginanap na media conference nitong Martes, Mayo 7, pinasalamatan ni Brillantes si Endrinal dahil hindi raw mabubuo ang “High Street” kung hindi dahil dito.

“Wala man siya physically, alam ko nandito siya in the room with us. At nanonood siya at alam kong papanoorin niya itong High Street. Maraming salamat Sir Deo. Hindi talaga mabubuo itong project na ito kung hindi dahil sa inyo, and alam namin kung gaano mo kagustong magkaroon ng part 2 ang Senior High,” ani Brillantes.

“Kaya promise gagalingan namin, ibibigay namin ‘yung best namin para maging maganda po ang High Street para sa inyo. We will try our very best to take it to the highest level,” dagdag pa niya.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Unang mapapanood ang High Street sa darating na Lunes, Mayo 13, dakong 9:30 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV at TV5. Magiging available din ito sa iWantTFC at TFC.

Samantala, matatandaang pumanaw si Endrinal sa edad na 60 noong Pebrero 3, 2024.