Napag-usapan sa May 8 episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update" ang umano'y matutuloy na raw na part 2 ng pelikulang "Hello, Love, Goodbye" na pinagbidahan nina Kapuso star Alden Richards at Kapamilya star Kathryn Bernardo.

Nakarating daw kay Ogie na kahit walang schedule ng shooting ay patuloy na dumadalaw si Alden sa bahay ni Kathryn. Nakikita raw si Alden ng mga guwardiya sa subdivision kung saan nakatira ang aktres.

Masaya rin daw ang mga kasama sa bahay ni Kathryn sa tuwing dumadalaw roon si Alden. Siyempre nga naman, hindi naman maitatangging isa si Alden sa mga bankable star hindi lamang ng GMA Network kundi ng buong showbiz industry.

Isa pa raw na nakarating kay Ogie, tinuturuan daw magmaneho ng sasakyan ni Alden si Kath.

Relasyon at Hiwalayan

Vice Ganda sa abs ng asawang si Ion: 'No sugar needed, sapat na sweetness ko!'

"Si Alden... tinuruang mag-drive sa pali-paligid doon si Kathryn," sey ni Ogie.

Reaksiyon naman ni Mama Loi, "Ay? Driving instructor na rin pala siya ngayon?"

"'Pag mahal mo naman, 'di ba? Eh iisipin mo pa ba estado mo sa buhay? Ang cute lang na tinuturuan ni Alden si Kathryn," segunda ni Ogie.

"Gano'n 'yong mga nanliligaw eh," kinikilig na sundot pa ni Mama Loi.

Natutuwa naman daw ang hosts sa "yumayabong na pagkakaibigan" sa pagitan ng dalawa.

Nabanggit din ng mga host ang paratang ng mga netizen kay Alden na isa siyang "mangga" o pinaiksi ng salitang "manggagamit."

Sey naman ni Ogie, ang isang artistang nanggagamit lang ay artistang wala pang napatutunayan, walang pangalan, walang narating, at starlet pa lamang.

Hindi ito ang unang beses na napabalitang magkasama sina Alden at Kathryn.

MAKI-BALITA: Alden, Kathryn naispatang magkasamang nanonood ng pelikula

MAKI-BALITA: Alden Richards, nanliligaw na raw kay Kathryn Bernardo

MAKI-BALITA: Alden mas bet ng pamilya ni Kathryn kaysa kay Jericho, bakit naman?

MAKI-BALITA: Alden sa relasyon nila ni Kathryn: ‘What you see is what you get’

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Alden at Kathryn tungkol sa isyung ito.