Kinaaliwan na lamang ng social media personality na si Viy Cortez ang pagkakaroon ng maraming security guards na nag-escort sa kaniya sa mall, kahit wala naman daw dumudumog sa kaniya.

"SOP" kasi o standard operating procedure ng isang establishment gaya ng mall na i-escort at protektahan ang mga celebrity na nagkakaroon ng special appearance o mall show para matiyak ang kanilang kaligtasan sa loob ng mall.

Naimbitahan kasi si Viy sa isang "Mommy and Baby Fair" ng isang kilalang brand ng baby diaper.

Makikita sa ibinahaging video ni Viy na habang naglalakad siya palabas ng mall ay may higit sa limang sekyu ang nakabuntot sa kaniya sa likod.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Pabirong caption ni Viy sa kaniyang Facebook post,  "Dahil wala namang nagkakagulo para di masayang ang porma nila kuya sinamahan nalang nila ako mag feeling hae-in."

Ang "Hae-in" na binanggit niya ay karakter na "Hong Hae-in" sa patok na Netflix series na "Queen of Tears" na ginagampanan ni South Korean star Kim Ji-won.

Sey naman ng mga netizen, "madam na madam" daw ang datingan ni Viy na para bang siya ang may-ari ng mall.

"Ay madam na madam ang dating hahaha."

"hahaha lakas, parang may-ari ng mall"

"Sana all daming guards"

"Successful kana talaga madaam,. Nakapagpatayo kana ng Sariling Security Agency"

"Di na normal si viy, dami na bodyguards. Hehe. Dati nakakapagmall payan sila ng mag isa. Ngayon dudumugin na. Ibang klase ka viy. Pero I wonder if di mo namimiss ang makapagmall mag isa. Hehe peace out."

"Ang lakas maka kdrama Ms. Viy Cortez ay Este Hong Hae-in, Sana nanjan din c Baek Hyun-woo para mas nakakakilig 😂"