Nagbigay ng tugon ang social media personality na si Toni Fowler sa isang social media post ng partner niyang si Vince Flores.

Sa Facebook post kasi ni Vince nitong Miyerkules, Mayo 8, ikinuwento niya na nagkaayos na raw ulit sila ni Toni matapos ibahagi ng huli ang isang cryptic post na tila ipinapahiwatig na hiwalay na raw sila.

MAKI-BALITA: Back to single mom: Toni Fowler at Vince Flores, hiwalay na?

Ayon kay Vince: “Yesterday, nagkaroon kami ng matinding away at tampuhan first time sa relasyon namin na malayo sa isa’t isa ng matagal na oras.”

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

“Pero hinding hindi ko hahayaan na mag hiwalay kami, dahil sa pag bubuntis ni Jowa sobrang nadala siya ng emosyon kaya nakapag post siya ng kung ano ano,” dugtong pa niya.

MAKI-BALITA: Vince Flores, pinatawad na ni Toni Fowler

Ibinahagi ni Toni ang post na ito ni Vince sabay sabing “Tinopak lang yung buntis. Ok na.”

Umani ng samu’t saring reaksiyon ang shared post na ito ni Toni mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Enebe kinikilig aque

“I can relate. 😂”

“Sana all nabubuntis😭”

“Hay salamat 🥺🥺”

“iloveyou both!!!🥹”

“Family matters pa din 💕”

Matatandaang noong Marso lang ay inanunsiyo pa ni Toni na buntis umano siya kay Vince.

MAKI-BALITA: Toni Fowler, Vince Flores magkaka-baby na!