Nahingan ng mabilis na reaksiyon ang Kapuso star at fashion socialite na si Heart Evangelista tungkol sa award na natanggap ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Si Pia ay nakatanggap ng "Global Fashion Influencer of the Year Award" sa 2024 Emigala Fashion and Beauty Awards sa Dubai kamakailan.

Sa isang maiksing video naman ay natanong si Heart kung ano ang masasabi niya tungkol dito, ayon sa ulat ng isang pahayagan.

"I'm okay for as long as I have food on my table, thank you Lord!" mabilis lang na sey ni Heart.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Well, pilit kasing pinagbabangga ng kani-kanilang fans ang dalawang showbiz personalities pagdating sa fashion scenes sa ibang bansa. Hindi ba't naisyu pa nga ang tila parinigan daw nilang dalawa sa social media?

MAKI-BALITA: Pia Wurtzbach, nagiging kahawig na raw ni Heart Evangelista

MAKI-BALITA: Pia at Heart sabay nanood ng Akris Fashion Show, nagpansinan ba?

MAKI-BALITA: Pia naimbyerna, umapela sa supporters; tigilan panghihila pababa sa ibang babae

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Pia patungkol sa reaksiyon ni Heart.