Ibinunyag ni Vice Ganda na nakiusap daw ang tatay sa kaniya ng alagang si Awra Briguela na huwag agad itong palabasin mula sa bilangguan nang mapiit ito dahil sa kinasangkutang rambulan sa Poblacion, Makati City.

Ginawa raw ito ng tatay ni Awra para magtanda at maturuan ng leksyon si Awra.

MAKI-BALITA: Private: Awra Briguela, arestado matapos masangkot sa isang kaguluhan sa Makati

Batay sa mga sinabi ng erpat ni Awra, mukhang ayaw nitong i-tolerate ang hindi naging magandang behavior ng anak na nagdulot ng katakot-takot na bashing sa kaniya sa social media.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

"Alam mo mo ang hirap-hirap sa posisyon ko noong mga panahong kinakausap ko kayong dalawa, kasi 'yong tatay niya hindi kunsintidor na tatay. Hindi siya 'yong tatay na lalapit sa akin para sabihing 'Meme, ilabas mo 'yong anak ko sa kulungan, Meme, pakiayos naman si Awra, Meme tulungan n'yo po si Awra.'"

"Ang tatay niya iba ang atake, ang sabi niya sa akin, ‘Meme, ang pakiusap ko huwag mo muna siyang ilabas. Alam kong tutulungan mo siya, pero 'wag mo muna siyang ilabas. Kasi gusto ko maranasan niya 'yong hirap doon para ma-realize niya.' Tough love ang ibinibigay sa iyo ng tatay mo. Gusto niyang maranasan mo 'yong epekto noon sa iyo, na 'yong part na 'yon ng life mo ay hindi mo puwedeng takasan, you have to face it, realize things and learn from it," anang Vice.

Inamin naman ni Awra na hanggang ngayon daw ay inaayos pa rin nila ang relasyon nilang mag-ama, gayundin sa kaniyang mga kapatid. Bumukod na kasi si Awra sa kaniyang pamilya matapos magkaroon ng sariling trabaho sa showbiz.

"We are getting better naman siguro po. Kasi feeling ko talaga it will take a lot of time bago kaming okay sa isa't isa, kasi nga siguro may mga time na wala akong courage na mag-open sa kaniya. Kasi hindi rin naman niya ako binibigyan ng sign or hindi ko nararamdaman ang tapang ko," ani Awra.

Kamakailan lamang ay ibinida ni Awra sa socmed ang pagtatapos ng kaniyang ama sa master's degree nito.

MAKI-BALITA: Tatay ni Awra Briguela, nagtapos ng MBA

Hindi naman nagkulang si Vice Ganda sa pagbibigay ng aral sa kaniyang anak-anakan.

MAKI-BALITA: Awra aminadong walwalera, gimikera; pantakas sa problema

MAKI-BALITA: Awra ‘nadurog’ sa kinasangkutang rambulan sa bar: ‘I’m getting better!’