Isang mahalagang gamit daw na nawala ang dahilan ng on and off relationship ng mag-inang sina Sharon Cuneta at KC Concepcion.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Lunes, Mayo 6, isiniwalat ni showbiz columnist Cristy Fermin ang nasagap niyang impormasyon tungkol kina Sharon at KC.

“Mayro’n po kaming source na nagkuwento na mayro’n daw pong napakahalagang kagamitan si Sharon Cuneta na ipinagkatiwala kay KC Concepcion bigla na lang naglaho,” lahad ni Cristy.

“Noong hinahanap na ni Sharon, hindi maibigay ni KC. Ang dahilan—hindi ko alam kung sadya o talagang nagipit lang—naisanla ni KC nang walang pahintulot sa Megastar,” aniya.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Si Sharon pa naman kung magmahal sa mga gamit niya, pati mga libro niya iniingatan niya talaga ‘yan.”

Samantala, hindi naman binanggit ni Cristy kung ano ang “napakahalagang gamit” na naiwala umano ni KC.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang tugon o reaksiyon ang mag-ina para pabulaanan o kumpirmahin ang naturang isyu.