Hindi nakaligtas sa matalas na pandinig ng mga netizen at viewer ang pagtawag ng "teen housemates" ni "The Voice Teens" host Bianca Gonzalez sa mga natitirang teen artists sa road to finals ng nabanggit na singing competition.

Agad na nakuha ang video clip nito at pinulutan sa social media platform na X.

"Siyempre para sa ating mga natitirang mga teen housemates, you noticed may chance pa kayong magpatuloy..." ani Bianca.

Pabirong sita ng isang netizen, "Excited yarn may lakad ka talaga parang nagmamadali ikaw na yata magiging grand opening sa PBB Gen 11 hahahaha chareng."

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Nakarating naman ito sa kaalaman ni Bianca at agad na humingi ng dispensa.

"SORRY NA PO 😭✌🏽🫠 halong kaba at auto default at tensyon!!!!!"

"Huhu. Salamat sa panonood!"

[embed]https://twitter.com/iamsuperbianca/status/1787103390234976462[/embed]

Si Bianca ay matagal nang host ng reality show na "Pinoy Big Brother," at nang magbitiw rito si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga, sa kaniya na naipasa ang korona ng pagiging main host nito.

Sa muling pagbabalik ng PBB: Gen 11 ay kabilang pa rin si Bianca sa mga magiging host.