Usap-usapan ng mga netizen ang cryptic Instagram stories ng social media personality na si Toni Fowler matapos niyang magbigay ng pahiwatig na tila may pinagdaraanan sila ng boyfriend na si Vince Flores.

Sa kaniyang IG stories, nasabi ni Toni na nakaya naman niya noon, at kaya pa rin niyang maging single mom ngayon.

"Kinaya ko nung una. Na-practice ko na. So kayang kaya ko sa pangalawa. Back to #Singlemom," aniya.

Photo courtesy: Toni Fowler (IG) via ABS-CBN News

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Photo courtesy: Toni Fowler (FB)

Sa isinagawa naman niyang Facebook Live kung saan namigay siya ng e-cash sa followers na nakausap niya, sinabi ni Toni na naka-break sila ngayon ni Vince dahil "napupuno rin siya."

Kahit na ganito ang nangyari, nagpayo pa rin si Toni sa mga nakausap niya na huwag mawawalan ng pag-asa sa buhay, magdasal lang, at laging maging masaya.

Wala pang tugon, reaksiyon, o kumpirmasyon mula kay Vince tungkol dito.