Namataan daw ang “Hello, Love, Goodbye” stars na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards na magkasamang nanonood ng pelikula.

Sa latest episode ng “Marites University” nitong Lunes, Mayo 6, ibinahagi ni showbiz insider Rose Garcia ang nasagap niyang impormasyon tungkol sa tila’y movie date nina Alden at Kathryn.

“Kitang-kita ng aking source na nanood sina Alden Richard at Kathryn Bernardo ng movie dito sa BGC,” saad ni Rose.

Pero hindi naman daw sina Alden at Kathryn lang ang magkasama. Kasama rin daw kasi ang best friend ng aktres na si Alora Sasam.

Tsika at Intriga

Raquel niyabang katotohanan; 'All By Myself' ni Charice, di pa nahihigitan

“Kung ‘di ako nagkakamali, noong Thursday lang ‘yan na spotted sina Kathryn at Alden. So, parang ako lang, nakakatuwa lang dahil parang sobrang nag-level up na talaga ‘yong closeness nila,” dagdag pa ng showbiz insider.

Matatandaang lumutang kamakailan ang kuwento na nanliligaw na raw si Alden kay Kathryn. Bukod pa rito ang kuwento na mas bet daw ito ng mga magulang ng aktres kaysa kay award-winning actor Jericho Rosales.

MAKI-BALITA: Alden Richards, nanliligaw na raw kay Kathryn Bernardo

MAKI-BALITA: Alden mas bet ng pamilya ni Kathryn kaysa kay Jericho, bakit naman?

Pero nang tanungin si Alden tungkol sa real-score nilang dalawa ni Kathryn, sinabi lang niya na “what you see is what you get.”

MAKI-BALITA: Alden sa relasyon nila ni Kathryn: ‘What you see is what you get’