“Nakakakaba at nakakatakot”

Tsika at Intriga

Maricel Soriano, wala raw alam sa PDEA document; umaming sa kaniya ang condo unit

Ito ang paglalarawan ng aktres na si Maricel Soriano sa isinagawang Senate hearing hinggil sa PDEA leaks nitong Martes. Aniya, first time niya raw kasing maimbitahan sa isang hearing.

Sa ikalawang public hearing ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kaugnay sa PDEA leaks nitong Martes, Mayo 7, dumalo si Soriano at itinanong sa kaniya ng Committee chair na si Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang tungkol sa nag-leak na PDEA document at sa pananakit umano niya sa dalawang kasambahay.

Pagkatapos ng mga tanong ni Dela Rosa, binasa si Soriano ang kaniyang pahayag para sa naturang hearing.

“Magandang umaga po sa mga kagalang-galang na Senador at sa lahat po na nandito ngayong araw. Ako po ay nakatanggap ng imbitasyon galing kay Senador Bato Dela Rosa para magbigay ng komento tungkol sa isyu na pinag-uusapan dito sa hearing,” saad ng aktres.

Humingi siya ng paunmanhin dahil first time niya raw makatanggap ng imbitasyon na humarap sa Senado.

“Unang-una humihingi po ako ng paumanhin dahil hindi po ako sanay sa mga ganito. Alam niyo po first time ko lang po talaga na makatanggap ng imbitasyon na humarap sa Senado, nakakakaba at nakakatakot.

“Sa totoo lang po hindi malinaw sa akin kung bakit po ako naimbitahan sa hearing. Nagtataka lang po ako dahil lahat po ng tumestigo rito ay nagsabing hindi na-verify ang impormasyon ni Mr. Morales at walang imbestigasyon na naganap,” paglalahad pa ni Soriano.

“Pasensya na po kung nalilito po talaga ako rito. Gayunpaman, mataas po ang respeto ko sa Senado at sa mga kagalang-galang na Senador na nandito ngayon lalo na po si Chairman Senator Dela Rosa. Sa abot po ng aking makakaya, tutulong ako na sagutin ang inyong mga katanungan,” dagdag pa niya.

Sa huli, nakiusap ang aktres na ang abogado na lamang niya ang sasagot para sa kaniya dahil hindi naman daw siya abogado.

“Pero sir, nakikiusap lang po sa inyo po. Kung ang usapin ay tungkol po sa mga bagay na may legal na implikasyon po, sana po’y pagbigyan n’yo po ang aking abogado na sumagot para sa akin. Hindi naman po ako abogado, sir. At sa usapang legal, mas nararapat po yata na ang abogado ko na lang po ang sumagot at magpaliwanag.

“Kung magkaroon man po ng legal question, pinapahintulutan ko pong magsalita para sa akin si Atty. Agnes Maranan. Maraming salamat po, sir,” pagtatapos ng aktres.

MGA KAUGNAY NA BALITA:

https://balita.net.ph/2024/05/07/maricel-soriano-di-raw-totoong-nambugbog-siya-ng-2-kasambahay/