Usap-usapan ng mga marites sa social media ang umano'y pagbura daw ni Kapamilya actress Yen Santos sa birthday post niya para kay Paolo Contis na kaniyang jowa.

Sa ulat ng Fashion Pulis, ibinahagi nila ang ilang screenshots ng pagbati ni Yen sa 40th birthday ni Paolo.

"screaming happy 40th birthday to my best friend, thank you for everything you do," ani Yen sa caption kalakip ang larawan nilang dalawa.

Photo courtesy: Yen Santos (IG) via Fashion Pulis

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Kung bibisitahin nga ang Instagram account ni Yen habang isinusulat ang artikulong ito, wala na nga ang nabanggit na post.

Sa following naman, mapapansing wala ni isang account na fina-follow si Yen. Hindi siya naka-follow sa IG account ni Paolo.

Photo courtesy: Yen Santos (IG)

Kung titingnan naman ang following ni Paolo, makikitang naka-follow pa siya sa Instagram account ni Yen. In fairness, tanging account lang ng girlfriend ang fina-follow niya.

Photo courtesy: Screenshot from Paolo Contis (IG)

Nasa Instagram account pa rin niya ang mga post na kasama si Yen, lalo na ang pagbati niya rito sa birthday nang manalong Best Actress.

Tanong ng mga netizen, anyare daw? Sila pa raw ba?

Matatandaang sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong 2023 ay kinumpirma ni Paolo ang real score sa pagitan nila ni Yen.

MAKI-BALITA: ‘Worth it ba?’ Paolo ibinunyag dahilan bakit nahulog, tumibok ang puso kay Yen

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Paolo o si Yen patungkol dito. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.