Hindi raw ginagamit ng social media personality at negosyante na si Rosmar Tan si Diwata para sa kaniyang brand. Aniya, busilak daw ang kaniyang puso sa pagtulong dito.

Ibinahagi ni Rosmar sa kaniyang mga Facebook post na binigyan niya ng bagong bahay si Diwata. Bukod dito, nagbigay aniya siya ng tumataginting na ₱5 million worth of endorsement, products, at cash mula sa iba’t ibang brand na tumulong sa kaniya.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Hindi pa nagtatapos sa mga nabanggit, binigyan din niya si Diwata ng umano’y imported Saint Bernard puppy na worth ₱300K daw at lifetime supply ng dogfood.

Sa kabila ng mga ibinigay niya, binigyang-diin ni Rosmar na hindi niya raw ginagamit si Diwata para sa kaniyang mga brand dahil busilak daw ang kaniyang puso sa pagtulong. Kaya’t ibang mga brand daw ang ibinida niya sa surprise niya.

“Hindi po ako [nag-iwan] sa location ni [D]iwata ng kahit anong may tatak [R]osmar kasi [‘di] para gamitin ko [siya] sa brand ko dahil busilak ang aking puso sa pagtulong at [‘di] para gamitin [siya]. Bagkus, ibang mga brand ang binida ko na mga tumulong sa akin para mabigyan ng 1 year endorsements si [D]iwata para may monthly pumapasok sa kanyang pera. dahil [‘di] naman habang buhay malakas [siya] at ang paresan [niya],” saad niya sa kaniyang Facebook post.

“Salamat sa mga tumulong sa’kin para makapagpaabot ng tulong din kay [D]iwata. Hindi rin para i-monetize ko ang mga videos ko with [D]iwata masaya na ako na natulungan ko [siya]. [T]amang post lang dito sa [Facebook] ng souvenir hihihi. Buong puso na pasasalamat sa lahat ng walang sawang sumusuporta at nagmamahal,” dagdag pa niya.

Labis naman ang tuwa ni Diwata kaya hindi rin niya napigilan ang umiyak. Pangarap din daw kasi talaga niya na magkaroon ng sariling bahay.