Tila hindi nagustuhan ng ilang netizens ang hindi pagsagot ng aktor na si Paulo Avelino tungkol sa relationship status niya.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Sabado, Mayo 4, iniulat ni showbiz insider Ogie Diaz ang mga himutok ng netizen kay Paulo.

“‘Yong iba syempre ang opinyon nila parang ‘ang baduy naman ni Paulo. Ba’t naman gano’n si Paulo Avelino? Hindi pa sagutin napakasimple lang naman no’ng tanong,’ ‘di ba.” saad ni Ogie.

“E, syempre si Paulo ‘yon. E, kasi ‘di ba ‘yong iba sinasabi: ‘Ha? ‘Di ganyan ang pagkakakilala ko kay Paulo. Straight kausap ‘yan. Kung anong tanong mo, sasagutin niya,’” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Pero para kay Ogie: “Ako, feeling ko lang naman, kasi syempre parang nagdadalawang-isip si Paulo kung sasagutin niya ba ‘yon o hindi. ‘May mao-offend ba ako kung sasagutin ko ‘to na yes may nililigawan ako. Kung sinagot ko ‘yan na yes, may nililigawan ako. Baka i-follow up ni Luis ‘yan: artista ba ‘yan o hindi?’ Manganganak nang manganganak.”

Matatandaan kasing sumalang kamakailan si Paulo sa isang episode ng vlog ng TV host-actor na si Luis Manzano kung saan kumasa rin siya sa shot or pass challenge.

MAKI-BALITA: Paulo Avelino, tikom ang bibig sa relationship status niya