Emosyunal ang aktres na si Carmina Villarroel dahil sa sinabi ng anak niyang si Mavy Legaspi sa latest episode ng “Sarap ‘Di Ba?” nitong Sabado, Mayo 4.

Sa isang bahagi kasi ng naturang cooking talk show, naghandog ng nakakaantig na mensahe si Mavy sa kaniyang ina para sa parating na “Mother’s Day.”

"Happy Mother's Day. Maraming salamat sa patience and understanding. We're back on track and sana tuluy-tuloy lang 'to. Feeling ko ito 'yong blessing na ibinigay ni Lord para sa atin, personally, as mother and son na duo," saad ni Mavy.

“Kayang-kaya mo. 'Di na kailangan magsalita, 'di na kailangan i-justify or fight the criticism. Lahat ng criticisms or hate kasi wala 'yon. Bored lang sila sa buhay nila. At the end of the day, I know in their hearts kahit may criticism whatsoever, they all have their own mothers that they love. We don't need to fight back,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa niya: "I'm very thankful to have a mother figure like you kasi nata-transfer 'yun sa amin ni Cass. I guess itong turn of events naging malaking blessing para sa akin to realize a lot of things."

Matatandaan kasing madalas masangkot sa intriga si Carmina dahil sa mga cryptic post niya na ipinagpapalagay ng mga netizen na patama umano sa mga nakakarelasyon ng kaniyang mga anak.

MAKI-BALITA: Carmina may mensahe sa kambal; reaksiyon sa Mavy-Kyline breakup rumors?

MAKI-BALITA: Resbak para kay Cassy? Cryptic post ni Carmina, pasaring daw kay Darren

MAKI-BALITA: Matapos ang ‘resbak’ ni Carmina; Cassy, nagpasaring din kay Darren?

MAKI-BALITA: Sey mo Cassy? Darren Espanto may inamin, walang girlfriend ngayon