Rumesbak ang general manager na si Jan Enriquez para ipagtanggol ang Kapuso actor-director na si Xian Lim laban sa mga bintang na pinagtaksilan nito ang ex-girlfriend na si Kim Chiu, matapos amining nagde-date na sila ng producer na si Iris Lee.

Sa X post ni Enriquez, sinabi niyang higit isang dekada na niyang kakilala si Xian at hindi raw nito magagawa ang mag-cheat o magkaroon ng third party habang magkarelasyon pa sila ni Kim.

"Ive known Xian for 15 years and never nagcheat yan. He is committed in all his relationships and lahat tumatagal talaga," aniya.

[embed]https://twitter.com/janenriquez_/status/1786045789464375711[/embed]

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa niya sa isa pang X post, "To summarize @XianLimm points sa Esquire article:

- walang third party

- walang nagcheat

- maayos sila naghiwalay ni Kim (kaya may mutual statement na nirelease)

- he is seeing Iris just recently AFTER his break up kay Kim (which happened Nov 2023)."

[embed]https://twitter.com/janenriquez_/status/1786045504536949147[/embed]

Ang punto naman ng mga netizen, tila nakaka-off daw ang ginawa ni Xian na nakipag-date na kaagad ito gayong ilang buwan pa lamang daw ang hiwalayan nila ni Kimmy.

Sa isang artikulo ng lifestyle magazine ay inamin ni Xian ang tungkol sa kanilang dalawa ni Iris, at ipinagtanggol siya laban sa mga basher.

MAKI-BALITA: CONFIRMED! Xian Lim, Iris Lee masayang nagde-date!

MAKI-BALITA: ‘She doesn’t deserve all that flak!’ Xian Lim itinangging third party, ibinabahay si Iris Lee

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Xian at Kim tungkol dito.