May maikling payo ang bilyonaryong si Lance Gokongwei sa mga taong nangangarap at nagsusumikap.

“To all those who dream big, struggle, and strive, like my father, John Gokongwei, Jr., the Victor is dedicated to you,” saad niya sa kaniyang Facebook post kamakailan.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ang “The Victor” sculpture ay inspirado sa kuwento ng tagumpay ng yumaong ama ni Lance Gokongwei na si John Gokongwei Jr. na nagtatag ng JG Summit, isa sa pinakamalaking conglomerates sa Pilipinas.

Payo naman niya sa mga taong nagsusumikap, “Sometimes you succeed, sometimes you fail, but what’s important is that you work hard and do your best, despite the challenges.”

“That’s resilience. That’s grit. Keep reaching for the skies.”

Si Lance Gokongwei ang tumatayong punong ehekutibo ng kanilang kompanya.