Talagang inuulan ng blessings ang sikat na social media personality at paresan owner na si "Diwata!"

Bukod sa kaliwa't kanang pakikipag-collab sa kaniya ng kapwa influencers at patuloy na pagdagsa ng customers sa kaniyang paresan, ilang mga indibidwal, celebrity, at kompanya ang nagpapaabot ng tulong sa kaniya.

Isa na nga riyan ang isang car company na nagpadala pa ng bagong kotse sa kaniya.

"Para sa mga patuloy na bumabangon," saad ng kompanyang GWM Philippines.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Enjoy and drive safely," saad pa.

Sa kaniyang Facebook post ay nagpasalamat naman si Diwata sa dumating na blessing sa kaniya.

"Another Brand New car na naman from GWM Philippines grabi talaga ang blessings na to sobrang Thank you po ng sobra😭 | Dahil jan mag share ako ng Blessings 5k jikass sa bawat isa na mapili ko na lucky share."

Kamakailan lamang ay binigyan din siya ng house and lot at milyong piso ng social media personality at negosyanteng si Rosmar Tan Pamulaklakin.