Aminado ang komedyante at vlogger na si Chad Kinis na nahihirapan siyang makisabay sa mga kapuwa niyang komedyante.

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Mayo 5, ibinahagi ni Chad kay Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang dahilan kung bakit siya nahihirapan.

“Anong pinakamahirap na part para sa ‘yo [bilang komedyante]?” usisa ni Toni. 

“Sumabay sa ibang komedyante. Kasi alam kong mas maraming magaling kaysa sa akin,” saad ni Chad.

'OGD!' Ogie Diaz, magkakaroon ng bagong show sa TV5

“Pagtuntong ko ng entablado, lagi akong may kaba, may takot na ‘ang gagaling ng mga ‘to. Ang bibilis ng mga utak nila. Hasang-hasa sila. Sabi ko: ‘makakasabay pa ba ako sa mga ‘to?’” aniya.

Dagdag pa ng komedyante: “Pero alam mo, sinabi ko rin sa sarili ko. Hangga’t mayroon akong isang taong napapasaya, ‘di ako titigil sa pagiging komedyante.”

Bukod dito, inamin din ni Chad na hindi innate sa kaniya ang pagpapatawa. Hindi tulad nina Unkabogable Star Vice Ganda na natural na natural ang pagiging komedyante. Kaya naman, talagang inaral daw ni Chad ang kakayahang ito.