Nagbigay ng pahayag ang showbiz insider na si Ogie Diaz kaugnay sa isinampang kaso sa kaniya ni Kapuso star Bea Alonzo.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Lunes, Mayo 6, nilinaw ni Ogie na hindi raw siya galit kay Bea sa ginawa nitong pagdedemanda.

“Ito, ha, sa totoo lang. Buksan n’yo man ang puso ko, hindi po ako galit kay Bea Alonzo. Kasi ako naniniwala ako, karapatan niya ‘yan,” saad ni Ogie.

“Kung feeling niya e nasaktan natin siya, karapatan niya ‘yon. In the same way na syempre kailangan din naming idepensa ‘yong aming sarili at ipaglaban kung ano ‘yong para sa amin ay fairness sa amin,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

Dagdag pa ng showbiz insider: “Wala akong naramdamang galit. Kasi hindi naman ho ‘yan ngayon lang nangyayari ‘yong ganyan sa amin lalo na sa aming propesyon.“

Ang importante raw para kay Ogie ay kilala siya ng kaniyang mga tagasubaybay. Alam ng mga ito ang ginagawa niyang kabutihan at kabayanihan para sa mga artistang nagpo-promote ng show.

“Saka, Nay, ‘yong mga nambabash din po kalma lang po kayo. Hindi pa nga po natin alam pare-pareho kung anong laman ng salaysay,” pahabol naman ng co-host niyang si Mama Loi.

Matatandaang nauna nang magbigay ng maikling pahayag si Ogie noong mismong araw ding nagsampa ng kaso si Bea laban sa kaniya.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz sa inihaing kaso ni Bea laban sa kaniya: ‘Ayoko nang magpakaplastik…’

Bukod kay Ogie, kasama rin ang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa mga idinemanda ni Bea sa kasong cyber libel.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, naghain ng cyber libel cases laban kina Cristy Fermin, Ogie Diaz