Itinampok ni Unkabogable Star Vice Ganda ang kaniyang anak-anakang si Awra Briguela sa kaniyang latest vlog.

Nagluto ng spaghetti with mushrooms ang dalawa habang nagkukuwentuhan. Nang matapos ang pagluluto, kinumusta ng talent manager na si Vice Ganda ang alagang si Awra matapos ang pinag-usapang insidenteng kinasangkutan niya.

"I'm okay, I'm getting better, and stronger," sagot ni Awra.

"Yeah, you're better now, I can see that you're better now," pagsang-ayon naman ni Vice Ganda.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa kabila raw ng mga panghuhusga at kaliwa't kanang reaksiyon, komento, at saloobin sa nangyari ay hindi raw nakita ng mga tao ang nangyari o kinahinatnan ng isyu sa buhay ni Awra.

"Hindi nila nakita kung gaano ka talaga nadurog no'n, no?" sey ni Vice Ganda. Hindi na nila pinag-usapan pa ang detalye pero kung susumahin, lahat naman daw ay nagkamali. Inamin din naman ni Awra na nagkamali siya.

"Yeah, I owned up my mistakes," ani Awra.

Sunod na tanong ni Vice, ano raw ba ang naging epekto ng insidente sa alaga.

"Ano kasi ako Meme eh, ako 'yong taong hindi talaga, hindi ko kayang magpakita ng weakness ko sa mga taong mahal ko, gano'n. Kaya after what happened, noong pauwi na ako, siyempre lugmok na lugmok na ako, umiyak na ako, iyon 'yong time na hindi ko na talaga kaya," pag-amin ni Awra.

"Bakit ka lugmok na lugmok?" sundot na tanong ni Vice.

"Noong nakulong ako, parang hindi ko pa rin siya marealize na nangyayari na sa akin 'yon."

Saad naman ni Vice, mentally at emotionally ay hindi pa raw handa ang alaga sa naranasan niyang pagkakabilanggo.

"And 'yong nangyari kasi 'yon, parang hindi ko siya inexpect... ano ako no'n eh, YOLO ako no'n eh..."

"Walwalera ka, nomoera ka, rampadora ka... sumobra ka rin naman talaga," singit naman ni Vice.

Aminado naman si Awra na talagang gimikera siya at gusto lang niyang magpakasaya para matakpan ang mga kinahaharap na problema. Kaya nang nangyari na nga ang pagkakapiit niya ay hindi siya makapaniwala.

Pagproseso naman ni Vice, normal lang naman ang pagtakas paminsan-minsan mula sa mga problema, pero dapat daw, alam ng tao na hindi iyon ang solusyon. Kaya sana raw, napagtanto ni Awra ang mga bagay na ito.

MAKI-BALITA: Private: Awra Briguela, arestado matapos masangkot sa isang kaguluhan sa Makati

MAKI-BALITA: Awra nagsampa ng kontra-demanda laban sa nakaalitan sa bar

MAKI-BALITA: Awra Briguela nadagdagan ng mga bagong kaso