Hindi pinalagpas ng host-actress na si Dianne Medina ang ilang mga netizen na sumita sa paglalagay niya ng inflatable pool sa loob mismo ng kanilang bahay para paglanguyan ng anak nilang si Joaquin, ayon na rin sa gusto ng bata.

Mababasa sa Instagram post ni Dianne na gusto raw mag-swimming ng anak sa labas subalit napakainit naman sa labas. Nang sabihin daw ng anak na gawin na lang sa loob ng bahay, agad naman itong pinagbigyan ng nanay.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

View this post on Instagram

A post shared by Dianne Medina Ilustre (@dianne_medina)

"Joaquin wants to swim outside but its so hot and he told me he wanted to swim inside. So ayan nag set up kami ni Daddy Rj ng Mini pool niya," aniya.

Nang una raw ay nagdalawang-isip pa sila ng mister dahil nga naman mababasa at madudumihan ang kanilang malaking sofa at carpet, pero naisip ni Dianne na puwede namang patuyuin ang mga mababasa.

At first I was a bit hesitant madudumihan and mababasa ang carpet and all pero naisip ko minsan lang bata si Joaquin gusto ko ma- enjoy niya and ang sala pwede naman patuyuin at linisin ang mga gamit hahha! Same as before nagdrawing siya ng car sa sofa using pentel pen hindi na ko nagalit kasi mapapalitan naman yun haha!"

"Kung saan ka masaya anak! Mahal na mahal kita," aniya.

Sa comment section, ilang netizen naman sumita sa ginawa ni Dianne.

"Goodbye carpet!"

"Grave ung sofa!!Wala nbang ibang space sa bahay nyo bakit Jan po."

Katwiran naman ni Dianne, minsan lang maging bata ang anak nila kaya pagbigyan na kung ano ang gusto nito.

"We can always buy a new one, but Joaquin's happiness hindi 'yan maibabalik at mabibili," aniya.

Bagay na sinang-ayunan naman ng netizens.

"For the peace of mind of ms dianne kesa maag tantrums. Mothers love always the best. Spoil as you can afford it paglaki nyan kung ano pinapakita mo na pagmamahal times two or millions blik nyan sayo❤️❤️ yes wala sa lugar yes spoiled but child always a child d naman natin nkikita pano yan na didisiplina ni ms diane lahat naman my nasasabi heehe alangan naman e post ni ms diane paano disiplinahin hehe❤️"

"Minsan lang silang bata, now my son is 12 years,namimiss ko yung mga trip nya nung maliit pa sya ☺️ kaya okay lang yan basta happy sila :)"

"Omg so cuteeeee. I'm also doing that to my kids"

"Carpet namin pati wall ang dumi, kasi mga slime, play dough, sticker at drawing anak namin, sabi lagi asawa ko let her maging kid minsan lang yan, kaya as long as masaya anak namin support lang kami, kasi nong bata pa ako di ko yan naranasan, yong tipong aksidente ka lang makabasag baso pinapalo na kami ng machete na may lagayan naman, pero as a kid sobra naman, kaya we just let our kid to be free what she wants to do with discipline pa din."

Si Dianne ay misis ng Kapuso actor na si Rodjun Cruz, na kapatid naman ni Rayver Cruz.