Handang mag-alok ng tulong o assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga jeepney driver na maaapektuhan ng Public Utility Vehicle Modernization Program.
Ayon sa ulat ng Mnaila Bulletin, sa panayam kay Asst. Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Irene Dumlao, nakahanda umano ang DSWD kung sakaling makatanggap sila ng requests mula sa mga tsuper saan mang panig ng bansa, para sa food at cash assistance sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), at kanilang livelihood program na Sustainable Livelihood Program (SLP).
Mangyayari ito kung makakapasa ang nagre-request na tsuper sa mga requirement na kailangan nilang ibigay, lalo na kung nasa listahan pa ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
"If they meet the eligibility requirements under our SLP, they are on our LIST of the poor, or they are among the members of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program, they are our priorities to be given help under the SLP,” aniya.
Kamakailan lamang ay muling nagkaroon ng demonstrasyon sa panig ng mga tsuper kaugnay ng pagsasa-moderno ng mga pampublikong sasakyan.