How true ang kuwento na inutusan umano ng aktor na si Xian Lim ang ex-jowa niyang si Kim Chiu para i-announce ang relasyon nila ng producer na si Iris Lee?

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Sabado, Mayo 4, ibinahagi ni showbiz insider Ogie Diaz ang nasagap niyang impormasyon tungkol sa umano’y pagtawag ni Xian kay Kim.

“Tumawag daw itong si Xian Lim kay Kim Chiu [...] Nakarating lang sa akin ‘to, ha. Sabi niya: ‘Kim, pwede mo nang aminin, ha, na mayro’n na akong girlfriend,” kuwento ni Ogie.

“Naloka si Kim. ‘Ako ang mag-aannounce na may girlfriend na ang ex ko?’ Kaya sari-sari tuloy ‘yong mga opinyon nila tungkol do’n sa nangyari,” aniya.

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Dagdag pa ng showbiz insider: “Kung totoo man ‘yon, ang mga opinyon nila: ‘Ha? Talagang si Kim Chiu ang pinag-aannounce mo na may bago ka nang girlfriend Xian Lim?’ Tapos mayro’n pang ‘Okay ka lang? Parang iniinsulto mo si Kim Chiu.’”

Pasubali naman ni Ogie, nakarating lang daw ang naturang isyu sa kaniya. Malaya naman daw sina Kim at Xian na pabulaanan ang kaniyang mga naiulat kung sakaling hind ito totoo.

Matatandaang nagsalita na si Xian kaugnay sa real-score nila ni Iris Lee nang maitampok siya sa isang lifestyle magazine. Pinabulaanan niya rin doon ang ilang intrigang umaaligid sa pangalan niya.

MAKI-BALITA: CONFIRMED! Xian Lim, Iris Lee masayang nagde-date!

MAKI-BALITA: ‘She doesn’t deserve all that flak!’ Xian Lim itinangging third party, ibinabahay si Iris Lee