Hindi na raw nagulat ang mga netizen sa pag-amin ng Kapuso actor-director na si Xian Lim hinggil sa real score nilang dalawa ni Iris Lee.

Sa pamamagitan ng isang artikulo sa magazine, kinumpirma ng ex-boyfriend ni Kim Chiu na masaya silang nagde-date ni Iris.

“Yes, I’m seeing Iris. Just to clear everything, to clear all the speculations. We are seeing each other and we are very happy,” saad ni Xian.

MAKI-BALITA: CONFIRMED! Xian Lim, Iris Lee masayang nagde-date!

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

MAKI-BALITA: ‘She doesn’t deserve all that flak!’ Xian Lim itinangging third party, ibinabahay si Iris Lee

Hindi raw deserve ni Iris na paulanan siya ng batikos dahil sa nangyaring hiwalayan nila ni Kim. Itinanggi rin ni Xian na si Iris ang third party sa hiwalayan nila ng ex.

Samantala, sinabi naman ng online personality na si "Senyora" na wala na raw nagulat sa kumpirmasyon ni Xian. Ibinahagi niya ang screenshot ng balita ng GMA News patungkol dito.

"BREAKING NEWS!"

"Buong Pilipinas, walang pake!" aniya.

Kaloka dahil ipinamalita pa ni Senyora na binlock daw siya ni Xian sa X.

"Parang binibiro ka lang Xian Lim e haaaays," caption ni Senyora.

MAKI-BALITA: Xian Lim, ‘di natuwa kay Senyora, binlock!

Matatandaang sa kasagsagan ng isyu ng hiwalayang KimXi, natalakay na sa "Ogie Diaz Showbiz Update" ang tungkol kay Iris, na naibalita na rin naman ng iba't ibang news outlet.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz may tanong kay Xian Lim: ‘Sino si Iris Lee?’

May mga kumalat pang tsikang habang nasa Thailand daw ang dalawa kasama ang team mula sa Viva para sa kanilang proyekto, ay namataang "HHWW" o holding hands while walking sina Xian at Iris.

MAKI-BALITA: Sila na ba? Xian Lim, Iris Lee ‘HHWW’ raw sa Thailand

Samantala, hindi pa nahihingan ng reaksiyon o pahayag si Kim patungkol sa naging kumpirmasyon ni Xian sa dating stage nila ni Iris.