Pumalag daw ang ina ng Kapamilya star na si Francine Diaz matapos nitong madawit sa isang sa isang event sa Occidental Mindoro kamakailan.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Biyernes, Mayo 3, iniulat ni showbiz columnist Cristy Fermin ang ibinahaging post umano ng ina ni Francine bilang depensa sa mga bumabatikos sa anak nito.

“Bukod sa kaniyang mga tagasuporta, may pamilya siyang nasasaktan sa mga naglalabasang negatibong reaksiyon ngayon tungkol sa kaniya," saad ni Cristy.

“Kaya nagsalita at nag-post naman si Mommy Merdick Diaz. Na ang sabi niya, ang gusto lang naman daw ng anak niya ay magpasaya. ‘Yon daw naman,” aniya.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Dagdag pa niya: “Karaniwang ano ‘yan ng nanay. Syempre kakampi sa kaniyang anak na talaga namang tinutudla ng mga intriga ngayon.”

Matatandaang nag-viral sa social media ang pag-walk out umano ng bandang “Orange & Lemons” nang “pasingitin” bigla ng event host si Francine sa naturang event.

MAKI-BALITA: Francine ‘agaw-eksena’ raw sa Orange & Lemons; netizens, nanimbang sa isyu

Nagbigay pa nga ng pahayag ang lead guitarist at frontman ng banda na si Clem Castro dahil sa nangyari.

MAKI-BALITA: Clem Castro ng Orange & Lemons, bumoses: ‘Sana walang sumisingit, respeto lang!’

Samantala, tila ipinagpalagay naman ng ilang netizens na ang isang social media post ni Francine matapos ang event ay tila patutsada niya sa naturang banda.

MAKI-BALITA: Francine tungkol sa respeto, sagot sa pasaring ng Orange & Lemons?