Nagpapasalamat daw ang showbiz columnist na si Lolit Solis dahil hindi napikon sa kaniya ang Kapuso star na si Bea Alonzo matapos niya itong birahin sa Instagram posts noong mga nagdaang taon.

Nag-ugat ito sa isyung hindi raw pinayagan si Lolit na makadalo sa isang media conference ng isang beauty product na ineendorso ni Bea.

Simula noon ay nagsunod-sunod na ang mga tirada ni Lolit kay Bea.

Hanggang sa nagsalita na nga rito ang talent manager ni Bea na si Shirley Kuan, at sinabi nitong kokonsulta sa kaniyang abogado kaugnay sa mga sinasabi ni Lolit.

Tsika at Intriga

Jennylyn Mercado, 'di susulutin ng ABS-CBN

Simula noon ay tila nag-lie low na nga si Lolit sa mga isinusulat niya laban kay Bea. Hanggang kamakailan nga ay nagkita ang dalawa sa isang event at tila nagkaayos na.

MAKI-BALITA: Lolit Solis hinarap si Bea Alonzo sa isang party

Sa kaniyang Instagram post nitong Mayo 3, nagbigay ng reaksiyon si Lolit sa naging legal action ni Bea laban sa mga kasamahan sa showbiz news na sina Cristy Fermin at Ogie Diaz matapos silang idemanda ng cyber libel.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, naghain ng cyber libel cases laban kina Cristy Fermin, Ogie Diaz

Aminado si Lolit na "guilty" siya sa pagsusulat ng "kagagahan" patungkol kay Bea noon, kaya naman nagpapasalamat siya sa pagpapatawad sa kaniya ng aktres nang magkita nga sila.

"Pero in fairness at thankful ako na hindi napikon si Bea Alonzo. Kung minsan kasi, may mga pagkakataon na iba ang mood mo pag meron mga ganitong pangyayari. Infact napikon pa ako sa binitawan salita nuon ni Shirley Kuan na ‘I will consult my lawyer,'" aniya.

"But in fairness talaga at very thankful ako, naging very sweet at forgiving ni Bea Alonzo ng magkita kami sa isang presscon. Kaya nga masasabi ko, tiyempo lang kung minsan. May mga mood din kasi bawat tao, at kung minsan pag natiempo ka sa pangit na mood, hayun na."

"Parehong may ipinaglalaban ang dalawang kampo. Pareho tiyak na desidido sila na ipakita kung sino ang tama. At pareho din sila tiyak na naka focus sa resulta ng kanilang aksiyon. Tulad siguro ni Vhong Navarro na talagang 10 taon ang hinintay para sa kaso na isinampa laban kila Denice Cornejo at Cedrick Lee, handa din maghintay ng matagal sila Bea Alonzo at mga kinasuhan niyang writers. Hindi mo sasabihin sayang ang oras pag naka focus ka sa ginawa mo."

Sa palagay naman daw ni Lolit ay nakahanda sina Cristy at Ogie hinggil sa labang nag-aabang sa kanilang dalawa.

"At mukhang pareho naman handang ipaglaban nila Bea Alonzo, Cristy Fermin at Ogie Diaz ang kanilang kaso. Ipinaglalaban ng bawat panig ang kanilang karapatan. Ang kanilang paniniwala na tama ang kanilang ginawa. Dasal ng lahat na kung maayos, sana maayos pa. Maghintay na lang tayo, alam ni Bea Alonzo ang kanyang ginawa, at alam din nila Cristy Fermin at Ogie Diaz ang kanilang karapatan."

"Hintayin natin ang magiging resulta. Hintayin natin hanggang saan makakarating. Idasal natin na sana maging maayos ang lahat. Marami ng problema sa paligid at sana mas magaan na ang mga magaganap na pangyayari. We wish the best for both parties. Maayos sana maging takbo ng kanilang mga aksiyon. Bongga," saad pa niya.

MAKI-BALITA: Lolit Solis, guilty sa ‘kagagahan’ noon kay Bea Alonzo