Isiniwalat ng aktor at direktor na si Eric Quizon ang unang showbiz girlfriend niya nang kapanayamin siya ni showbiz insider Aster Amoyo nitong Biyernes, Mayo 3.

Sa latest episode kasi ng TicTALK with Aster Amoyo, tinanong si Eric ng showbiz insider kung si Dina Bonnevie ba ang una niyang nakarelasyon sa mundo ng showbiz.

Pero sabi ni Eric: “No, no, no. Hindi si Dina. It was K.”

Tila nagkaroon naman ng ideya si Aster matapos itong sabihin ni Eric: “A, yes. O, my! Hi, K. Dyan sa America.”

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“We were very young then. She was 16. I was turning 20,” saad pa ni Eric.

Sa huli, tila hindi na rin nakatiis si Aster. Inispluk na niya ang buong pangalan ng “K” na tinutukoy ni Eric.

“Sabihin na nating Kris Aquino. Kasi mag-iisip pa kayo,” ani Aster.

Samantala, “get well soon” naman ang hatid na mensahe ni Eric para sa ex niyang si Kris na lumalaban ngayon sa malubhang sakit. 

Matatandaang hindi naging maganda ang pagpasok ng bagong taon para sa Queen of All Media dahil sa kaniyang natuklasan sa lagay ng kaniyang kalusugan.

MAKI-BALITA: Kris Aquino, naiyak sa natuklasan; lagay ng kalusugan lumala!