Inilarawan ng singer at komedyanteng si Janno Gibbs ang pelikulang “Itutumba Ka ng Tatay Ko” na idinirek niya kung saan huli niyang nakasama ang kaniyang amang si Ronaldo Valdez bago pumanaw.

MAKI-BALITA: Janno Gibbs, Ronaldo Valdez nakagawa pa ng pelikula

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Mayo 3, sinabi niya na ang pelikulang ito raw ang “the most fun we’ve had.”

“Ang sarap kasi Ronaldo Valdez ‘yan, e, ‘di ba. There was one memorable time kasi nire-rewrite ko ‘yong script before the scene. Binabago ko ng kaunti,” saad ni Janno.

Pelikula

'Big shoes to fill:' Aicelle Santos, na-pressure sa 'Isang Himala'

“So [sabi ko] ‘padala n’yo na ‘yan sa daddy ko.’ Eksena namin, e. Emotional banter namin. Pagdating ko sa set sabi ng daddy ko: ‘Sinong magaling ang sumulat nito? Maganda, a!’” aniya na ginaya pa ang boses ng ama.

Dagdag pa niya: “So, ako naman: awwwwwww. Kilig na kilig naman ako.”

Matatandaang pumanaw si Ronaldo noong Disyembre 2023 sa edad na 76.

MAKI-BALITA: Janno Gibbs, kinumpirma pagpanaw ng ama