Tila hindi nagpatinag ang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa isinampang cyber libel case sa kaniya ni Kapuso star Bea Alonzo noong Huwebes, Mayo 2, sa Quezon City Prosecutor's Office.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, naghain ng cyber libel cases laban kina Cristy Fermin, Ogie Diaz

Sa Friday episode ng "Cristy Ferminute," nagbigay ng pahayag ang batikang showbiz insider tungkol sa balitang sumambulat noong Huwebes, patungkol sa kasong isinampa sa kaniya at sa iba pang co-host na hindi pinangalanan, sa showbiz-entertainment vlog niyang "Showbiz Now Na."

Bukod sa kaniya, sinampahan din ni Bea ng kaso ang isa pang showbiz insider na si Ogie Diaz at co-hosts nito sa "Showbiz Update."

Tsika at Intriga

Jennylyn Mercado, 'di susulutin ng ABS-CBN

Ayon kay Cristy, handa niyang harapin kung anuman ang demandang inihain laban sa kaniya ni Bea. Hindi raw mabubusalan ang kaniyang bibig sa larangan ng pamamahayag.

"Ang libel, cyber libel, or cyber bullying na tinatawag nila ay katambal ng aming propesyon. Ito ay parang dila at ngipin magkasama, hindi po maaring paghiwalayin," ani Cristy.

Ang vlogs daw nila ni Ogie Diaz ay dinisenyo para pag-usapan ang iba't ibang isyu at intriga, maganda man o hindi maganda, na may kinalaman sa public figures gaya ng mga artistang kagaya ni Bea. Nasa pagtanggap na lamang daw ng personalidad ang kanilang paglalatag.

MAKI-BALITA: Cristy Fermin, itinangging pinagkakakitaan si Bea Alonzo

Pinaalalahanan ni Cristy si Bea na kung may magagandang bagay siyang nagagawa ay ipinagtatanggol niya ito at pinapalakpakan. Ngunit kung may hindi raw ito ginawang maganda, kailangan daw siyang punahin.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, mahabang panahong ipinagtanggol ni Cristy Fermin: ‘Kinalaban ko po ang lahat!’

"Gumawa ka ng maganda, Bea, patuloy kitang papalakpakan, patuloy kitang pupurihin. Pero kapag ikaw ay nagkakamali at sablay ang iyong ginagawa sa mata ng publiko at sa aming panlasa, ikaw ay aming paaalalahanan at tatapikin."

MAKI-BALITA: Cristy pinayuhan si Bea Alonzo: ‘Gumawa ka nang mabuti patuloy kitang papalakpakan…’

Binanggit pa ni Cristy na ang mga public figures daw gaya ng mga artista ay parang mga isda sa loob ng aquarium na pinapanood at sinusubaybayan ang bawat galaw ng mga tao, lalo na ang kanilang mga tagahanga at tagasubaybay.

Sa huli, sinabi ni Cristy na magkita na lamang sila ni Bea sa korte.

"Sabi nga, kayo ang nag-demanda. Ikaw, Bea, ang nagsampa ng kasong libelo laban sa akin, kay Ogie Diaz, at sa aming mga kasama, ano ang ating sinasabi, we will see you in court!"

Samantala, si Ogie Diaz ay naglabas na rin ng reaksiyon tungkol dito noong Mayo 2 sa pamamagitan ng "My Day" sa kaniyang Facebook account.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz sa inihaing kaso ni Bea laban sa kaniya: ‘Ayoko nang magpakaplastik…’

MAKI-BALITA: Ogie ‘nang-agaw’ ng moment, nag-sorry kay Vhong